THE VERY VERY VERY SECRET DIARY OF FPJ









THE FILIPINOS NEED ME!


"The economy will go (up) when you address the peace and order. i'll try to bring back people's trust in government. they (my opponents) seems to forget  that particular word - trust. if you don't have trust in a person, then the relationship is finished. it's like swimming. if there is a life guard and you trust him, you go swimming. if there is no life guard, then you don't feel confident swimming. it reminds me of my nephew, he has so much faith in  me. He's a small boy and think i am superman. he believes he will be protected. I cannot fail him."

-FPJ


INAUGURAL SPEECH

ko'y nagpapasalamat sa bumubuo ng bansang Pilipinas at ako'y binigyan ng ganitong karangalan.

Sa mahigit dalawang daang pelikulang aking nagampanan, ito ang pinaka mahalagang papel sa aking buhay. Ang aking karanasan bilang isang artista at isang producer ang siyang magaahon sa kahirapan ng ating mga mamamayan.

Kayong mga naghihirap at nangangailangan ng trabahong marangal, gagawin ko kayong mga extra. Bilang isang producer, napakaraming Pilipino ang nabigyan ko ng trabaho dahil sa pag eextra sa aking mga pelikula. Matanda man o bata, babae o lalake, may papel kayong pwedeng gampanan. Ang iba'y maglalakad sa likod, yung iba nama'y mababaril kunyari. Ngunit di ko mapapangako na lahat kayo'y may speaking part.

Sa mga timigil ng pag aaral, nakuha ko na ang pangako ng ABS-CBN na magbigay ng libreng pag aaral sa Star Circle. Dito, matututo kayong umiyak, tumawa, magdrama, mag comedy, umawit. Ito'y makakatulong sa inyo upang matupad ang inyong mga pangarap na maging konsehal o kongresista ng inyong mga distrito.

At huwag kayong mawalan ng lakas ng loob kapag di kayo nakapag aral. Hindi importante ang may tinapos. Hindi din importante na makapagtapos kayo ng high school. Ang kailangan lang ay ang sinseridad.

At ang sinseridad na ito ang nagbigay sa akin ng kompiyansa upang suriing mabuti at piliin ang aking mga kasapi sa kabinete.

Si Edong Angara ang aking Executive Secretary. Napaka importante ng papel ng isang Executive Secretary kaya ito tinaguriang little President. Bilang Executive Secretary, pwede niyang palitan ang mga desisyon ng mga ibang kalihim kung sa tingin niya'y ito ay mali. Maari niyang iatras or isulong ang mga appointments ng iba't ibang empleyado ng gobyerno. Maari din niyang itulak or ipitin ang mga papeles na kailangan kong pirmihan. Pwede din siyang pumirma sa mga kontrata. Buo ang tiwala ko kay Edong.

Si Tito Sotto ang ating magiging DILG Secretary. Siya ang mamumuno sa lahat ng mga alkalde at pulis sa buong bansa. Ang una niyang prioridad ay sugpuin ang drug menace na umiiral sa ating mga kabataan ngayon.

Isang drug intervention program nag pina ngalanang Laban o Bawi ay ipatutupad ni Sec. Sotto. Sa ilalim ng programang ito, ang mga pushers ay lalabanan at babawiin natin sa kanila mga kabataan. Sa ilalim ng   programang ito, ang sinumang mag soli ng sampung gramo ng shabu ay bibigyan ng entrance ticket upang manood ng Eat Bulaga at magkaroon ng pagkakataong manalo ng isang milyon piso.

Ipinangako din ni Tito na isosoli na niya ang kandila sa kanyang mga kumpareng drug lords. Buo ang tiwala ko kay Tito.

Si Francis Escudero ang mamahala sa agrikultura. Anak siya ni Sonny, na dating Kalihim ng Agrikultura. Like father like son. Buo ang tiwala ko kay Francis.

Alam ninyo mga kaibigan, ako'y pinagtawan ng mga mayayaman nang ipinakilala ko si Sonny bilang expertise in agriculture. Alam ko na ngayon na mali yon. Hindi lang pala siya expertise in agriculture, expertise din siya sa education. Tignan natin kung sino ang tumatawa ngayon.

Sa Kagawaran ng Turismo, si Armida Siguion-Reyna ang ating ilalagay. Sa kanyang dating TV show na Aawitan Kita, madalas silang mag shooting sa mga ibat ibang tourist spots sa Pilipinas, lalo na sa Intramuros. Ang   karanasang ito ay sapat para siya'y maging Kalihim. Buo ang tiwala ko kay Armida.

Si Danding Conjuanco ang nararapat sa Agrarian Reform. Siya ay may mga malalaking lupain at siya ang tanging nakakaalam kung paano pagkakitaan ng maliliit na magsasaka ang mga lupa ng ibang hacendero. Buo ang tiwala ko kay Danding.

Kung baga sa pelikula, ito'y isang sneak preview ika nga ng aking administrasyon. Ito binubuo ng mga taong may natatanging katangian upang mapaglingkuran ang sambayanang manonood.

Ako'y muling nagpapasalamat sa lahat ng bumubuo ng cast at crew ng kampanya. Kay Direk Edong at sa executive producer na si Danding. Sa aking spokeman na si Francis. Sa PR na pinamumunuan ni Tito at ni Armida. Ang timpalak na ito'y sa ating lahat.

At sa lahat sa mga mamamayang nag tiwala at bumoto sa akin, ipinapangako ko na ibubuhos ko lahat ng galing ko sa pag arte bilang ika-labing limang Pangulo ng Pilipinas.

Mabuhay kayong lahat.
FERNANDO POE JR.


Ang sumusunod na liham ay aming nilalathala sa kahilingan ng Alyansa ng Pitong Gatang (APoG) bilang sagot sa "Open Letter" na aming inilathala noong nakaraang linggo

Ginoong Patnugot:

Napansin namin na inilathala ninyo kamakailan ang isang sulat na naghihikayat sa ating mga kababayan na sulatan si Fernando Poe Jr. upang huwag nang tumakbo bilang pangulo ng Pilipinas. Hindi namin alam kung saan ninyo nakuha ang impresyon na di magiging mabuting pangulo si Fernando Poe Jr. Kami po, ang kanyang mga kaibigan ay lubos na nasaktan sapagkat hindi man lang binigyan ng pahayagang ito ng sapat na pagkakataon na ipagtanggol ni FPJ ang kanyang sarili. Hindi po ito mabuting halimbawa ng mabuting pamamahayag.

Salungat sa mga balita na inyong kinakalat na walang alam si Fernando Poe Jr. sa pagpapatakbo ng bansa, si FPJ ay mayroong napakalawak na karanasan tungkol sa mga isyu na kasalukuyang pinagdaraanan ng ating bansa.

Ang sumusunod ay ilan lamang sa mga patunay sa pagiging malapit ni FPJ sa mga isyung pambansa.

Hustisya. Kapag Puno na ang Salop Nakikipaglaban si FPJ sa mga suhulang Huwes. Pag naging pangulo si FPJ, maraming mamamatay na huwes.

Kahirapan. Ang Anino ni Asedillo Katulad ng kanyang matalik na kaibagan na si Presidente Erap, malapit si Fernando Poe Jr. sa mahihirap. Sa pelikulang ito, si FPJ ay isang modern-day Robin Hood. Kumukuha siya sa mayayaman tapos binibigay sa mahirap. Yan ang aming idol. Ngayon pa lang ay magingat na si Danding at ang mga Ayala!

Kidnapping at Drugs. Batas ng Lansangan Sa Batas ng Lansangan, sinalo ni FPJ ang pananagutan para labanan ang kidnapping at drugs. Kapag pangulo na si Fernando Poe Jr., lilinisin nya sa ating mga lansangan ang mga kidnapper at drug-pusher. Ano ba ang laban ng mga masasamang loob sa mga ma-armalite na mga suntok ni Haring FPJ?

Manggagawa. Lagot ka sa Tatay ko Isang masipag na manggagawa si Fernando Poe Jr. Naranasan na nya ang maging isang mekaniko habang nagpapalaki ng kanyang anak na si Judy Anne. Ang kanyang hirap at pagtatiyaga ay kapansin pansin sa malimit na pagpapawis ng kanyang kili-kili sa pelikulang ito. Ipinahihiwatig lamang nito na pagpapawisan nya ng lubos ang kanyang pagtatrabaho sa ating mga Pilipino.

Illegal Gambling. Dito sa Pitong Gatang Bilang barangay chairman tinugsa ni Fernando Poe Jr. ang illegal gambling sa kanilang barangay. Sinong nagsabi na walang political experience si FPJ? Marahil, kapag naging pangulo si Fernando Poe Jr., malamang na gagawing kapitolyo ng Pilipinas ang Pitong Gatang.

Pulisya at Krimen. Eseng ng Tondo Naging isang magaling na Pulis rin si FPJ bago sya naging NBI director. Dito natin nakita kung paano nakipaglaban si FPJ sa masasamang at mga suhulang elemento ng lipunan. Ang kanyang pakikipaglaban at patuloy na pagpapatupad ng reporma sa pulisya ay ipagpapatuloy ng kanyang kapatid na si Conrad Poe bilang bagong hepe ng PNP.

Sports. Pakners Kasama di Efren "Bata" Reyes bilang bagong kalihim ng POC, lahat ng national athletes ay kanyang patuturuang magbilyar.

Ginoong Patnugot, siguro'y di na kami nagkulang ng patunay kung bakit dapat maging pangulo si Fernando Poe Jr. Sana po ay di na maulit ang mga irresponsableng "Open Letter" na walang pakundangan ninyong inilathala dito sa inyong pahayagan. Salamat po.

Ang inyong mga linkod,

Alyansa ng Pitong Gatang (APoG)

   

<< December 2009 >>
Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat
 01 02 03 04 05
06 07 08 09 10 11 12
13 14 15 16 17 18 19
20 21 22 23 24 25 26
27 28 29 30 31


MY PEBORIT LINKS

diary ni pareng erap
magandang website para sa akin
who is fernando poe?
mahal nila ako! isa pang website para sa akin
isa daw akong alamat sabi ng PCIJ
Freedom Peace and Justice Movement
mga liham ng panawagan sa akin


MGA KALABAN KO

Gloria Macapagal Arroyo
Ping Lacson
Raul Roco
Eddie Villanueva

Contact Me

If you want to be updated on this weblog Enter your email here:


rss feed

blogdrive

Thursday, December 16, 2004
ANG PAGTATAPOS

SINASARA NA NAMIN ANG BLOG NA ITO PARA PAGGALANG SA YUMANONG FPJ.

salamat sa pagbabasa.

SI FPJ AY IMMORTAL AND HE WILL ALWAYS LIVE WITH THE FILIPINO PEOPLE.

Posted at 09:55 pm by bespren ni erap
Comments (18)

Tuesday, December 14, 2004
PAMAMAALAM

maraming salamat sa mga nagbabasa nitong aking secret dairy...este diary. kelanagn ko na itong tapusin sapagkat sabi ni san pedro hindi uso internet sa pupuntahan ko.

maraming salamat sa lahat ng sumuporta sa akin nung ako'y artista pa lamang hanggang nuong huling eleksyon.

minarapat na rin ng mga nagpapatakbo nitong blogdrive na ito na hindi na exciting ang aking secret diary kung hindi na rin ako makakapag-internet.

hindi ko naman inaasahan na hahantong agad sa ganito.

PAALAM SA INYONG LAHAT! panoorin nyo na lang ako sa mga re-runs ng mga pelikula ko.


Posted at 08:53 am by bespren ni erap
Comments (14)

Monday, December 13, 2004
TANONG

nasaan na ko?


Posted at 09:09 am by bespren ni erap
Comments (4)

Friday, December 10, 2004
BULALAKAW

antay ako nang antay ng bulalakaw. hindi tuloy nasagip ni panday ang mga taga-quezon. dapat pag bumagyo, sabay may bulalakaw para timing. kelangan ng take two.


Posted at 04:23 pm by bespren ni erap
Make a comment

Thursday, October 14, 2004
UTANG

bobo presidente nyo! kadali-daling bayaran ang utang natin. eh di sana hindi na namomroblema ang gobyerno sa pera. anong ginagawa dyan ng mga 5-6 na bumbay? umutang na lang sa kanila ang bangko sentral para mabayaran ang utang natin sa world bank kasi mataas ang interes na sinisingil nila sa atin. buti pa ang 5-6 na bumbay, maliit lang ang singil.

tumpak! yan ang economic plan ko.


Posted at 04:59 pm by bespren ni erap
Comments (2)

Monday, September 27, 2004
GOCC

ano ba yang pinagkakaguluhan nilang GOCC na yan? Goons Of Charlie Cojuanco?


Posted at 02:21 pm by bespren ni erap
Comments (2)

Monday, August 23, 2004
NATURAL BORN

@#$%^&* AKO AY NATURAL BORN!!!

ano ba yung pinagsasasabi nila na hindi daw ako natural born? yan na naman ang bintang sa kin komo nagsampa lang ako ng kaso dahil dinaya ako! sabihin ko sa kanila, nung ipinanganak ako, hindi pa uso ang cae---ce---se---(p*tangna, ano ba speling nun?!) --- sesaryan. basta, natural born ako.

teka, ibig sabihin ba hindi pilipino ang mga sesaryan? *kamot ulo*


Posted at 12:29 pm by bespren ni erap
Make a comment

Sunday, August 08, 2004
PISO MULA SA PUSO

kami ni loren ay kumakatok sa puso ng mga tao upang magbigay ng piso-piso para sa laban namin sa supreme court. kelangan daw ng milyon-milyon para sa kaso na isinampa laban klay pandak. hindi kaya ng talent fee namin ni loren ang gagastusin !#$%^*&. wala ring pera si edong.

naku...kelangan magkaroon ako commercial uli kay boss danding para magkadatung uli at saka libre pang beer.

buti pa si eddie gil, may nangyayari na sa kanya. pinag-aagawan pa ni  madame auring at mystika. *singhot*


Posted at 11:21 pm by bespren ni erap
Make a comment

Tuesday, July 27, 2004
i don't mind

TANGA AKO

Posted at 04:02 pm by DuhKing
Comments (1)

Monday, July 26, 2004
SAMPA NG REKLAMO SA SUPREME COURT

nagsampa na kami ng kaso ng ni lorenng pandaraya dyan sa pandak na yan. ipapakita ko sa mga judge na yan (judge nga ba tawag sa kanila? eh nakasuot din sila ng toga di ba?) yung mga resulta ng counting namin. LAMANG TALAGA AKO NG ISANG MILYON!

laban kayo dun???

naku, etong si gloria, gaya-gaya ng plataporma. yung sasabihin nya sa SONA ngayon yung kinopya nya sa script ko sana sa magiging SONA ko. magdadaos din ako ng sariling SONA. ako naman ang tunay na halal ng bayan!!!

san ko kaya gaganapin yun? basta dapat malapit sa jollibee para pag itaboy na naman kami, matatrap ako sa jollibee. may chickenjoy pa ko.


Posted at 11:33 am by bespren ni erap
Make a comment

Next Page